Marawi City – Nagpadala ang Philippine Red Cross (PRC) ng humanitarian caravan sa Marawi upang tulungang makabangon ang ating mga kababayan na naapektuhan ng 5 buwang bakbakan.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon, lulan ng humanitarian caravan ang fuel tanker, mobile kitchen, payloader at 2,000 relief goods.
Umalis ang caravan mula sa headquarters ng PRC sa Mandaluyong nuong Huwebes ng umaga.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na nagpadala ang Philippine Red Cross ng ayuda sa Marawi City.
Sa datos ng PRC, nakapagpamigay na sila ng 9.3m liters ng tubig sa 200,000 indibidwal at mahigit sa 31,000 katao na ang nabigyan nila ng psychosocial intervention.
Facebook Comments