Kamakailan lamang ay ginanap ang isang fundraising concert sa Mall of Asia Arena sa Pasay City para sa mga biktima at apektadong mamamayan sa Marawi City.
Ilang Filipino artists ang nagboluntaryo para magtanghal at sumuporta para sa nasabing fundraising concert na inorganisa ng Philippine Red Cross (PRC).
Iilan sa mga bandang nag-perform ay ang 6 Cyclemind, Apartel kasama si Ely Buendia, Autotelic, Banda ni Kleggy, Southborder, Tanya Markova, Gab and John of Urbandub, Freestyle, Callalily, Gracenote, Miles Experience, Side A at Blue Jeans Junkies.
Mayroon ding mga solo performances mula kanila Mitoy Yonting, Jason Dy, Lyca Gairanood, Edray Teodoro, Kia Valenciano, Kyle Echarri, Nicole Asencio, Reynan Dal-Anay, Sab, Paolo Santos, Bradley Holmes at Quest.
Ayon kay PRC Chairman and CEO, Richard J. Gordon, habang mayroong krisis sa Marawi, patuloy pa rin ang pangangailangang pinansyal para matugunan ang kanilang operasyong pagtulong sa nasabing lugar. Kaya naman hinihikayat niya ang mga Pilipino na tumulong sa mga kababayang apektado para unti-unti silang makabangon.
Simula ng unang araw ng krisis sa Marawi, ang PRC ay nag-abot ng tulong mula sa pagkain hanggang sa mga pangunahing pangangailangan pati na rin ang mga pasilidad tulad ng portalets at paliguan.
Philippine Red Cross, nagsagawa ng benefit concert para sa Marawi
Facebook Comments