Inihayag ng pamunuan ng Pasig City Government na malaking tulong sa kanila ang ginagawa ng Philippine Red Cross upang manatiling malakas ang mga frontliners physically, mentally at emotionally sa pagharap nila laban sa COVID-19.
Sa kanyang Facebook page, pinapurihan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang lahat ng mga frontliners na sa kabila ng nanghihina na ang mga ito physical, mentally at emotionally ay nanindigan pa rin sila upang ipagpatuloy ang kanilang sinumpaang tungkulin na paglingkuran ang taong bayan.
Paliwanag ng alkalde, naglilingkod ang mga frontliners ng walang reklamo sa kabila ng kaliwa’t kanang natatanggap na diskriminasyon ay grabe umano ang kanilang ipinakitang dedikasyon sa kanilang trabaho.
Dagdag pa ni Mayor Sotto, ang ibang mga frontliners ay pinipilit na nilang magpahinga rin dahil sa matinding pagod na kanilang nararanasan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang alkalde sa Philippine Red Cross, sa pagsasagawa ng Psycho Social Support Sessions para sa kanila upang lalo pang lumakas ang kanilang pag-asa na paglingkuran ang mga residente ng Pasig City.