Nakikiisa ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sa isang pahayag, sinabi ni PRC Chairman at Senator Richard Gordon na ikinalulungkot niya ang pagpanaw ng dating kasamahan sa Senado.
Kaugnay nito, nagpasa ang Red Cross ng isang resolusyon sa isinagawang board of governors meeting noong Huwebes kung saan binigyang pagkilala ang mga nagawa ni PNoy sa paglilingkod at pamumuno nito.
Ayon kay Senator Gordon, bagama’t mayroon silang mga isyung hindi napagkasunduan ay parehas lamang ang kanilang pangarap na maging maayos ang bansa at ipagtanggol ang ating soberanya.
Facebook Comments