Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko ng karagdagang volunteers sa kanilang tanggapan.
Ito ay para mas mapaigting ng PRC ang pagresponde nito sa umiiral na COVID-19 pandemic.
Malaki ang naging tulong ng voluinteers sa mga operasyon ng Red Cross lalo na sa pagbigay ng assistance at pagseserbisyo sa mga tinamaan ng COVID-19.
Ang mga volunteer workers ay tumutulong din sa pagsagot ng mga katanungan ng mga pasyente, pagtatalaga ng schedule ng swab tests, pagconnect ng pasyente sa mga ospital at maging ang pagkalinga sa mga indibidwal na nakakaranas ng anxiety bunsod ng pandemya.
Labis naman ang pasasalamat ni PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon sa mga volunteers lalo na sa walang sawa nilang pagkukusang loob at pagsasakripisyo ngayong panahon ng pandemya.
Hinihikayat din ni Gordon ang publiko na nakilahok sa volunteering activities ng tanggapan dahil marami pa rin ang nangangailangan ng tulong.
Sa mga interesadong indibidwal ay manyaring mag-email sa PRC Volunteer Services na volunteer@redrcross.ph o kaya ay tumawag sa numerong 0926 619 3226.