Bukas na ipapatupad ang Synchronized Oral Polio Vaccine sa National Capital Region at Mindanao.
Ngayon palang pinakikiusapan na ng Philippine Red Cross ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra polio.
Layon nito na matugunan ang polio outbreak sa bansa na muling lumitaw pagkatapos ng 19 taon sa pagiging polio-free.
Sa pamamagitan ng mga bakuna at wastong kalinisan at sanitasyon ay kaya daw labanan ang polio.
Bawat bata na may idad hanggang -5 taong gulang ay dapat mabakunahan.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Ricahrd Gordon, lahat ng Red Cross volunteers mula sa NCR at Mindanao Chapters, ay nakahanda na para sa mass immunization bukas.
Bago ito, isinailalim sila sa Technical Training on Polio and Response Planning Workshop lalo na sa proper handling at distribution ng Oral Polio Vaccine (OPV), tamang pamamaraan ng disposal ng OPV vials at iba pa.