Philippine Rice Industry Stakeholders, humirit kay Pangulong Duterte na i-veto ang Rice Tarrification Bill

Manila, Philippines – Humihirit ang Phil Rice Industry Stakeholders kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura o i-veto ang Rice Tarrification bill.

Otomatiko na kasing magiging ganap na batas ang Rice Tarrification bill sa sandaling hindi pa rin ito mapirmahan ni Pangulong Duterte pagsapit ng February 15.

Kinukwestyon ng grupo ang mga probisyon ng naturang panukalang batas na sa tingin nila ay papatay sa industriya ng palay sa bansa.


Tutol din ang grupo na alisin sa NFA ang mandato nito na magbenta ng murang bigas sa publiko.

Nababahala rin ang mga magsasaka na walang makuhang suporta mula sa pamahalaan matapos alisin ang palay pricing support at farm level program sa ilalim ng bill na maaring samantalahin ng mga private traders.

Facebook Comments