Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11214 o ang Philippine Sports Training Center Act.
Nakapaloob sa batas ang pagmamandato ng konstruksyon ng mga sports facilities at amenities sa loob ng 18 buwan.
Dapat rin ay maitayo ito sa lokasyon na magiging pabor sa high-level training ng mga atleta, coaches at referees.
Nilalaman rin ng batas na ang Philippine Sports Commission (PSC) ang magiging may-ari ng training center, kabilang na ang sports facilities at amenities nito.
Mababatid na may P3.5 billion na budget ang nakalaan sa General Appropriations Act para sa konstruksyon ng pasilidad.
Facebook Comments