Philippine Taekwando Team, kumpiyansang makakasungkit ng ginto sa SEA Games

SEA Games – Kumpiyansa ang Philippine Taekwondo Team na maiuuwi nila ang huling ginto ng Pilipinas sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ay dahil sa nakatakdang lumaban sina Kirstie Elaine Alora at Francis Aaron Agojo.

Lalaban sa 73-kilogram women’s si Alora habang sa men’s 63-kg. division naman si Agojo.


Sa ngayon ay mayroon ng 23 gold medals, 30 silver at 57 bronze medals ang Pilipinas na nasa pang-anim na puwesto.

Nasa unang puwesto naman ang Malaysia na mayroong 111 gold medals, pangalawa ang Thailand na mayroong 60 gold medals, pangatlo ang Vietnam na mayroong 54 gold medals, pang-apat ang singapore na mayroong 49 gold at pang-lima ang indonesia na mayroong 32 gold medals.

Facebook Comments