PHILIPPINE VETERANS WEEK | MRT-3, may alok na libreng sakay sa mga beterano

Manila, Philippines – Good news para sa lahat ng Filipino veterans, may alok na libreng sakay ang Metro Rail Transit-3 ngayong linggo bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa April 9 at sa Philippine Veterans Week.

Ito ay mula ngayong araw, April 5 hanggang april 11 mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:30 ng gabi.

Libre ring makakasakay sa tren ang isang kasama ng mga beterano.


Ang Philippine Veteran Week ay taunang ginugunita tuwing April 4 hanggang April 11.

Deklarado namang Holiday sa buong bansa ang April 9.

Facebook Comments