Suspected BIFF Commander arestado

Kalaboso ang isang suspected Commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa Tapian Area sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao .

Sinasabing lead agency ang CIDG ARMM na may dala ng Search Warrant resulta ng pagkakaaresto ni Tato Ibrahim na nakumpiskahan pa ng caliber 45 pistol .

Kasalukuyang himas rehas na si Ibrahim at nahaharap na sa kaukulang kaso habang pinabulaanan naman nito ang alegasyon kasabay ng pag-akong lihetimong myembro ng isang Moro Front.


Facebook Comments