Sa panayam ng 98.5 Cauayan kay Rep. De Jesus, kung ano man ang ipinapataw na dagdag-singil ay dahil sa pagpapataw ng mga generation company na kung saan ang mga kumpanyang ito ay napipilitan na magdagdag dahil sa inaangkat na coal at gasolina sa pandaigdigang merkado.
Ayon pa sa mambabatas, patuloy ang kanilang pagbabatantay sa merkado sa harap ng patuloy na taas-singil sa kuryente at umaasa ito na bababa na rin ang singil.
Dagdag pa niya, nalampasan na ang ‘summer drought’ kung saan tuwing panahon ng tag-init ay walang patid ang paggamit ng kuryente pero ngayon aniya ay panahon na ng tag-ulan at posibleng maiibsan ang madalas na paggamit ng kuryente.
Paliwanag pa niya, may available pa na kuryente na ipapamahagi sa mga kabahayan kung saan patapos naman na ang preventive maintenance na ginagawa ng mga planta.
Makakaasa umano ang publiko na magkakaroon na ng tuloy-tuloy na daloy ng kuryente at kung sakali man na makaranas ng paminsang-minsang kawalan ng kuryente ay dahil sa pagsasaayos ng ilang poste ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Samantala, nagsimula ng magsagawa ng massive disconnection ang mga kawani ng Isabela Electric Cooperative 1 sa mga hindi nakapagbayad ng electric bill sa loob ng dalawang buwan.
Hiling naman nito sa papasok na Administrasyong Marcos na tuluyang mabuksan ang Bataan Nuclear Power Plant, isang renewable energy source na tiyak na magkakaroon ng self-sufficient pagdating sa usapin ng energy supply.