PhilRice, todo panghihikayat sa mga kabataan na maging aktibong bahagi sa sektor ng agrikultura

Todo panghihikayat ang PhilRice o Philippine Rice Research Institute sa mga kabataan na manatiling aktibong kabahagi ng sektor ng agrikultura.

Ayon kay Dr. Karen Eloisa Barroga, Deputy Executive Director for Development ng PhilRice, nagde-develop na rin sila ng apps na magagamit ng mga kabataan sa kanilang mga gadget.

Sa gitna na rin aniya ito ng paniniwala ng ilan na kayod kalabaw pero walang kita sa pagtatanim ng palay.


Kaugnay nito, nagsagawa ng ceremonial rice harvesting ang PhilRice sa maliit na palayan sa Luneta.

Ilan sa mga nakibahagi rito ang stakeholders kasama ang lagpas 100 Grade 10 student ng Salawag High School sa Dasmariñas, Cavite.

Dito ay ipakikita sa mga estudyante ang halaga ng sektor ng agrikultura at ang oportunidad na kumita kabilang na sa pagtatanim ng palay.

Nabatid na nakatuon ang PhilRice na bigyang katuparan ang nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maging matatag ang industriya ng agrikultura partikular sa palay upang hindi na umasa sa importasyon.

Facebook Comments