PHILSYS, HINIHIMOK ANG MGA NAGPAREHISTRO NA KUMUHA NG KANILANG ePhilID

Inaanyayahan ng Philippine System (PhilSys) ang publiko lalo na ang mga nag pa rehistro ng kanilang National ID na magtungo sa kanilang opisina upang kumuha ng “ePhiliD” o ang printable version ng National ID.

Sa naging panayam ng 98.5 IFM Cauayan kay Marie Apelado ang registration center supervisor ng printed ePhilId, ang temporary ePhilID ay maaring magamit pansamantala dahil maituturing rin ito bilang isang valid na pagkakakilanlan habang hinihintay ang pagrelease ng National ID.

Ang ePhilID ay ipi-print sa PhilSys registration centers, at maaari itong ipa-laminate.

Taglay rin ng ePhilID ang mga functionality at validity ng physical ID o ng National ID.

Dagdag pa ni Ginang Apelado, ang magiging pagkakaiba lang umano ng nasabing ID ay naka print umano ito sa isang uri ng papel at kinakailangan itong ipalaminate upang hindi mabasa o masira.

Samantala sa kasalukuyan, nasa 70 milyong Pilipino na ang nakapagpatala para sa national ID o PhilSys Registration, ayon sa PSA.

Facebook Comments