RMN-DXPR Pagadian City—–Dumapa sa ilalim ng matibay na mesa at humawak dito, o protektahan ang ulo ng inyong mga kamay. Hanggat maaari ay buksan ng madalian ang pinto para makalabas. Lumayo sa mga bintana na nababasag, cabinet at iba pang mabibigat na bagay.
Iilan lamang ito sa mga tips na ibinahagi ni Engr. Rainer Amilbajar ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Central Mindanao matapos yanigin ang Leyte, Ormoc at iba pang bahagi ng Bisayas.
Sinabi pa ni Amilbajar na kung kailangang lumikas paalis ng bahay, mag–iwan ng mensahe na nagsasaad na umalis na ang may-ari o may pupuntahan at magdala ng emergency kit. Nag-alay din ng panalangin ang Diocese of Pagadian sa mga biktima ng Lindol at umapela sa publiko na ang epektibong paghahanda ay ang pagdarasal.
Matatandaan na noong 1976, marami ang namatay sa Lungsod ng Pagadian dahil sa nangyaring Tsunami dahil sa paggalaw ng Cotabato Trench, aniya kailangang paghandaan ang mga mangyayaring lindol sa bansa. (DXPR News Reponds Team)
Philvolcs Central Mindanao, Nagbigay ng Tips kapag lumindol
Facebook Comments