Manila, Philippines – Tiniyak ni Ramon “Tats” Suzara, chief operating officer ng Philippines Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na kasado na ang kanilang puwersa sa pagsisimula ng 30th SEA Games sa sabado.
Aniya, may contingency plan na rin silang nakahanda sa posibleng pagsama ng panahon.
Kaugnay ito ng paparating na bagyo sa bansa.
Sa press conference sa World Trade Center, umapela rin sa mga Pilipino at sa media si Suzara na iwasan na ang mga negatibo at maling impormasyon at sa halip ay magkaisa
Hinimok naman ni Cong. Bambol Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) ang publiko na silipin din ang iba pang mahigit limampung venues ng SEA Games at huwag lamang tutukan ang mga venue na patuloy pang hinahabol ang konstruksyon.
Tinatayang mahigit 11,000 na mga atleta at delegado ang inaasahang dadagsa sa bansa para sa naturang malaking sports event.