Mga atleta at delegado ng SEA Games hindi lusot sa pagbabawal sa paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar

Hindi palalampasin ng Philippine National Police (PNP) ang mga atleta at delegadong mahuhuling gagamit ng vape o e-cigarette sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, sisitahin at dadalhin sa presinto para magpaliwanag ang mga ito.

Giit ni Banac nagbibigay ng abiso ang PNP para na rin na sa kalusugan ng lahat at pagsunod sa mga city ordinances.


Apela ni Banac sa mga atleta at mga delegado na sundin ang mga local ordinances sa bansa.

Dahil ayon kay Banac ginagawa rin ng mga Pilipino ay sumunod sa mga batas kapag nasa ibang bansa.

Facebook Comments