Phishing at smishing, muling ibinabala ng PNP-ACG

Ngayong dumarami na naman ang mga scammers, muling nagpaalala ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko.

Ayon sa ACG, huwag basta-basta magre-reply sa mga kahina-hinalang text messages at huwag ding i-click ang kahit anong link mula rito.

Pinapayuhan ding huwag mag-panic kung sinasabing na-lock ang inyong account.


Maiging i-check ang e-mail address o number ng nagpadala ng message, tumawag sa official numbers ng inyong bangko at i-verify ang natanggap na email o text message.

Ang phishing ay ang iligal na pagkuha sa mga personal na impormasyon gamit ang e-mail habang ang smishing naman ay iligal na pagkuha sa mga personal na impormasyon gamit ang text message o SMS.

Halimbawa ng mga ito ang e-mail at text message na naglalaman ng code at link na kapag pinindot ay kokonekta sa isa pang dummy account na kukuha pa ng karagdagang impormasyon tulad ng bank accounts at password.

Maigting na paalala ng PNP-ACG, huwag na huwag magbibigay ng kahit anong impormasyon sa text o e-mail tulad ng inyong bank account number, password at one-time password o OTP.

Facebook Comments