Dating alkalde ng QC at dating administrator, binasahan ng sakdal sa Sandiganbayan

Binasahan na ng Sakdal o sumalang sa Arraignment sina dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at dating City Administrator Aldrin Cuña.

Ito ay kaugnay sa ₱32 million na online permit tracking system contract na pinasok umano nina Bautista at Cuña bago matapos ang kanilang termino sa pamahalaang lungsod.

Sa pagdinig, naghain ng ‘not guilty’ sina Bautista at Cuña sa 7th Division ng Sandiganbayan.


Matapos ang arraignment, kaagad na isinunod ang pre-trial sa kaso, kabilang sa tinalakay ay ang stipulation ng mga ebidensiya na gagamitin sa full-blown trial sa graft case nina Bautista at Cuña.

Samantala, kanina tinangka pa ng kampo ng dependa na ipagpaliban ang arraignment.

Gayunman, isinantabi ito ng mga mahistrado at sa halip itinuloy pa rin ang pagbasa ng sakdal sa mga akusado.

Facebook Comments