PHIVOLCS, binawi ang kanilang inilabas na tsunami warning matapos ang magnitude 7.5 na lindol sa Taiwan

Binawi na ng PHIVOLCS ang kanilang inilabas na tsunami warning matapos ang magnitude na 7.5 na lindol sa Taiwan.

Ayon kay Erlinton Antonio Olave Senior Science Research Specialist ng Seismological Observation ng PHILVOLCS, ganap na alas-10:33 ng umaga ay inalis na nila ang tsunami warning.

Batay kasi sa kanilang sa kanilang mga impormasyon mula sa Calayan Islands at Basco, Batanes ay walang pagbabago sa nabanggit na mga lugar.


Nauna na kasing naglabas ng babala ang Pacific Tsunami Warning Center na aabot sa 1-3 meters na pwedeng tumama sa Pilipinas matapos ang malakas na lindol sa Taiwan.

Facebook Comments