Nagbabala ang Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na may tiyansang magkaroon ng eruption o malakas na pagsabog ang Bulkang Taal.
Ito’y matapos itaas ng ahensya sa Alert Level 4 ang sitwasyon, kung saan mataas ang posibilidad na magkaroon ng matinding pagsabog.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, posibleng mangyari ang pagsabog sa mga susunod na araw o Linggo kapag hindi nagbago ang aktibidad nito.
Itinaas aniya nila ang alerto dahil sa sunud-sunod na Volcanic Tremors o pagyanig na naitatala sa Bulkan.
Aabot sa higit Kilometrong taas na rin ang ibinuga nitong abo.
Sa ilalim ng Alert Level 4, inirekomenda ng PHIVOLCS ang “total evacuation” sa libu-libon residente.
Ang Taal ay isa sa aktibong bulkan sa Pilipinas, kung saan 33 beses na itong sumabog sa kasaysayan.
Ang huling major eruption nito ay noong October 3, 1977.