Phivolcs, hinimok ang publiko na gamitin ang mobile app na ‘hazard hunter ph’

Hinimok ng Phivolcs ang publiko na gamitin ang kanilang mobile app na “hazard hunter ph.”

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum – sa pamamagitan ng app, malalaman kung maaapektuhan ng natural hazards ang tinitirhang lugar.

Malalaman din sa app kung ang inyong lugar ay nadaraanan din ng fault lines.


Pwede rin makita sa app ang mga lindol na nangyayari sa Pilipinas, kabilang na rito ang volcanic earthquakes na nililikha ng Bulkang Taal.

Pwedeng ma-download ang hazard hunter ph sa android mobile phones.

Ang iba pang mobile phones ay pwedeng bumisita sa hazardhunter.georisk.gov.ph.

Facebook Comments