Mariing itinanggi ng Philippine Institute of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS) ang mga kumakalat na balita online na itinaas na sa alert level 5 ang sitwasyon sa Taal Volcano.
Sa ilalim ng alert level 5, nagpapatuloy ang mapaminsalang pagsabog ng bulkan.
Sa post ng PHIVOLCS sa Facebook, iginiit nila na walang katotohanan ang mga lumalabas na balita.
Paglilinaw nila, ang bulkang taal ay nakaranas ng phreatic o steam-driven eruption kaya ito itinaas sa alert level 4, hudyat na may posibilidad na magkaroon ng malakas na pagsabog.
Dagdag pa nila, nananatiling nasa alert level 2 ang bulkang mayon, habang nasa alert level 1 ang Bulkang Bulusan.
Pinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na magbasa lamang ng mga balita sa mga official website at social media accounts.