PHIVOLCS, may paalala sa mga residente at turistang bumibisita sa Tagaytay City

Pinaalalahanan ni Philippine Institute Of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS) Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas ang mga residente at turistang nagtutungo sa Tagaytay na magsuot ng face mask kahit bumaba na ang lebel ng ash fall.

Ayon kay Bornas, meron pa ring natitirang ashfall dahil matagal pa bago mawala ang abo kaya mas mabuting magsuot pa rin ng face mask bilang pag-iingat.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Bornas na bumababa na ang lebel ng magma sa Bulkang Taal pero nananatili pa ring nakataas ang alert level 4 dahil may mga ikino-konsidera pa silang banta.


Facebook Comments