Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng posibleng lahar flow mula sa Bulkang Mayon sa gitna ng mga pag-ulang dala ng bagyong “Egay.”
Ito ay makaraang sabihin ng PAGASA na Samar at Bicol ang mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang mga nakatira sa mga lugar na mapanganib sa lahar na maging handa at alerto.
Kabilang sa posibleng daanan ng lahar ay ang Mi-isi, Binaan, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Mabinit, Matan-ag at Basud.
Pinayuhan din ng PHIVOLCS ang mga komunidad at lokal na pamahalaan malapit sa mga nabanggit na lahar drainaige na dagdagan ang pagbabantay at lumikas sa matataas na lugar sa tuwing malakas ang ulan.
Facebook Comments