Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga nagpapakalat ng pekeng balita sa social media ukol sa posibleng high-magnitude na lindol sa Cagayan de Oro at Tagoloan River.
Ito ay matapos makatanggap ang PHIVOLCS ng mga ulat na ilang indibidwal ang nagpapakalat ng maling impormasyon at ginagamit ang pangalan ng regional director ng ahensya.
Iginiit din ng PHIVOLCS na ang maling impormasyon na nagbababala sa isang 7.2 magnitude na lindol ay maaaring magdulot ng tsunami at ang publiko ay dapat maghanap ng mga posibleng evacuation routes.
Ang lindol din anila ay maaring maganap sa mga lugar na dinadaanan ng active faults at malalapit sa mga trench katulad ng Mindanao ngunit wala pang teknolohiya sa buong mundo ang makakapagsabi kung kailan at saan ito eksaktong mangyayari.