Muling nakapagtala ng labing-isang volcanic earthquake sa Taal Volcano ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, sa 11 volcanic earthquake, walo rito ay low frequency volcanic earthquake habang ang dalawa pang pagyanig ay tumagal ng 76 hanggang 90 segundo.
Nagkitaan din ng mahinang pagsingaw na may taas na 30 metro, mula sa mga gas vents ang naganap sa main crater.
Simula noong May 15, 2021, nagkaroon din ng pagbuga ng sulfur dioxide na humigit-kumulang 2,546 tonelada kada araw.
Ayon sa pamunuan ng PHIVOLCS, ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagyanig ng magma sa hindi kalalimang bahagi ng bulkan.
Kaya naman, nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.
Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ang paglapit sa Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Taal at pagdaan ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga nito dahil maaari itong magdulot ng isang biglaang pagsabog.