Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng labing-limang (15) volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan.
Aabot din sa 724 toneladang sulfur dioxide ang ibinuga nito kada araw mula Hunyo 30.
Hindi naman masukat ng PHIVOLCS ang taas ng ibinubugang plume ng Bulkang Bulusan dahil natatakpan ito ng mga ulap.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan na may indikasyon na namamaga pa rin ang bulkan at posible ang phreatic eruptions.
Muli naman nagpaalala ang PHIVOLCS na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone at pagpasok ng walang pag-iingat sa 2-kilometer extended danger zone ng bulkan.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa Bulkang Bulusan.