PHIVOLCS, nakapagtala ng 29 na pagyanig sa Taal Volcano

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nakapagtala ito ng dalawampu’t siyam na volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa datos ng PHIVOLCS, mula sa nasabing bilang dalawampu’t tatlong ay mga volcanic tremor na tumagal ng isang minuto hangang labing-dalawang minuto.

Habang anim naman ang low frequency volcanic earthquakes, at low-level background tremor na naitala simula ng alas-9:05 ng umaga ng ika-8 ng Abril taong kasalukuyan.


Nagkaroon din ng mahinang pagsingaw na may taas na sampung metro, mula sa mga gas vents ang naganap sa main crater. Ang pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-kumulang 1,051 tonelada kada araw noong ika-24 ng Abril ngayong taon.

Sinabi ng PHIVOLCS ang mga nabanggit na batayan ay maaaring nagsasaad ng patuloy na pagyanig ng magma sa hindi kalalimang bahagi ng Bulkang Taal.

Kaya naman, nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Taal Volcano.

Dahil dito, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok ng Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Taal at ipinagbabawal din ang paglipad ng mga sasakayang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan. Ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano Island na siyang PDZ ng Bulkang Taal.

Facebook Comments