PHIVOLCS, nakapagtala ng 4,363 aftershocks matapos niyanig ng magnitude 7 na Lindol ang malaking bahagi ng Luzon

Patuloy pa ring nakakapagtala ng aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng magnitude 7 earthquake noong July 27 sa malaking bahagi ng Luzon.

Batay sa abiso ng PHIVOLCS kahapon, nasa kabuuang 4,363 aftershocks ang naitala nila kasunod ng mapaminsalang lindol.

Sa naturang bilang, 1,146 ang plotted o naitala ng tatlo o higit pang stations habang nasa 68 naman ang naramdaman.


Noong July 27 bandang 8:43 ng umaga ay niyanig ang magnitude 7 na lindol ang malaking bahagi ng Luzon kung saan nasa tatlong kilometro ng Tayum, Abra ang naging episentro nito.

Facebook Comments