PHIVOLCS, nilinaw na wala nang mangyayaring volcanic eruption sa Apolaki Caldera  

Nilinaw ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang bulkang gumawa ng pinakamalaking caldera sa mundo na Apolaki ay hindi na sasabog.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, ang bulkan ay sumabog milyu-milyong taon na ang nakararaan.

Aniya, sa 20 Milyong taong naging aktibo ang bulkan.


Iginiit din ni Solidum na imposibleng may madiskubreng langis sa lugar kung saan matatagpuan ang Caldera.

Ang Apolaki Caldera ay matatagpuan sa Benham Rise kung saan ang haba o distansya nito ay katumbas mula Quezon City hanggang Paniqui, Tarlac.

Facebook Comments