PHIVOLCS: Pagbagsak ng bato sa Bulkang Mayon, bumaba

Bumaba na ang bilang ng rockfall events sa Bulkang Mayon sa Albay, Bicol.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), bumaba sa 241 events kung ikukumpara sa 263 rockfall events na naitala kahapon.

Nagtala rin ang bulkan ng 17 Dome-collapse pyroclastic density current events at nagluwa ng may 753 tonelada ng asupre.


Ayon sa PHIVOLCS, patuloy ang pamamaga ng bulkan na indikasyon na may mga nagaganap ng mga aktibidad sa loob nito at nakapagtala rin ng katamtamang pagsingaw mula sa bunganga ng bulkan ng may 750 metrong taas na napadpad sa kanlurang bahagi ng bulkan.

Bunsod nito, patuloy na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 6-kilometer radius permanent danger zone at paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng naturang bulkan dahil sa banta ng pagguho ng bato, pagtalsik ng ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, katamtamang pagputok at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan doon.

Facebook Comments