PHIVOLCS, patuloy na binabantayan ang aktibidad ng Bulkang Taal

Binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang kondisyon ng Bulkang Taal.

Ito’y kasunod ng mga pagyanig na nararamdaman sa ilang lugar sa Batangas.

Ayon sa PHIVOLCS, mula nang itaas nila sa Alert Level 1 nitong Marso ay nakapagtala na sila ng 4,857 Volcanic Earthquakes.


Ang mga naramdamang pagyanig ay may kasamang tunog o pag-ugong ng lupa.

Sa kabila nito, wala pang nakikitang pagbabago sa water temperature at acidity sa Main Crater Lake.

Payo ng PHIVOLCS sa publiko na hindi pa rin pwedeng puntahan ang Main Crater dahil sa steam explosions at high concentration ng toxic gases.

Ang buong Volcano Island ay isang Permanent Danger Zone at hindi nirerekomendang pagtayuan ng tirahan.

Facebook Comments