MANILA – Bagamat itinaas sa Alert Level 1 ang Mount Bulusan sa Sorsogon… Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng publiko sa umanoy pagiging aktibong muli ng bulkan.Sa interview ng RMN kay Phivolcs Prediction Division Head Ms. Mariton Bornan, ipinaliwanag niya na ang pagsabog ay walang lava at dahil lamang sa matinding pressure bunsod ng kumukulong tubig-ulan sa mainit na bahagi ng bulkan.Nabatid na nagsimula bandang alas-5:00 ng hapon noong Lunes ang pagsabog kung saan umabot sa 500 metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan.Paglilinaw ng Philvolcs, wala pa namang naitalang ash fall sa mga bayan ng Irosin at Juban na malapit sa bulkan.Bukod dito, nakapagtala rin ng dalawang pagyanig sa lugar kasunod ng mahinang pag-aalburuto ng bulkan.Gayunpaman, nanatiling nakataas ang Alert Level 1 sa mga residenteng na malapit sa paligid ng bulkan kung saan ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 6-Kilometer Permanent Danger Zone. (DZXL 558 – Reilyn Arceta)
Phivolcs, Pinawi Ang Pangamba Ng Publiko Sa Mga Pagsabog Na Naitala Sa Mount Bulusan Sa Sorsogon… Dalawang Pagyanig, Nag
Facebook Comments