Manila, Philippines – Tiniyak ngayon ng PHIVOLCS ang hindi magiging sanhi ng paggalaw ng west valley fault ang yumanig na magnitude 5.4 na lindol sa San Marcelino, Zambales, kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS –ipinaliwanag nito na ang pinagmulan ng lindol ay ang manila trench na nakaharap sa West Philippine Sea.
Batay sa isang pag-aarl, ang west valley fault na nasa ilalim ng mga lungsod ng Marikina, Pasig, at Muntinlupa, ay may kakayahan na lumikha ng magnitude 7.2 na lindol na posibleng ikasawi ng aabot sa 34,000 na tao at higit 100,000 na sugatan.
Dakong 10:27 ng gabi ng huwebes, tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa San Marcelino, Sa Zambales na may lalim na 83 kilometers.
Naramdaman ang lindol sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kabilang na ang Quezon City, Pateros, Pasay City, Makati City, Mandaluyong, Manila, Parañaque City, Taguig City, Caloocan City at Valenzuela City.
DZXL558