Nilinaw ng PHIVOLCS na hindi konektado ang nangyaring magnitude 6.3 lindol kahapon sa pinangangambahang pagtama ng The Big One.
Ang ‘The Big One’ ay ang paggalaw ng west valley fault na siyang magdudulot ng magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon.
Ayon kay PHIVOLCS Earthquake Monitoring Division Chief Ismael Narag – Manila Trench o malaking hukay sa ilalim ng West Philippine Sea ang siyang pinagmulan ng nasabing pagyanig.
Bagama’t wala pang naitatalang pinsala dulot ng naturang lindol, posible pa rin aniya ang pagkakaroon ng aftershocks.
Sa datos ng PHIVOLCS, ito na ang ikatlong beses na niyanig ng lindol ang lalawigan ng Batangas mula noong Abril.
Facebook Comments