Phl Teakwondo Team, naghakot din ng Gintong Medalya

14

Patuloy ang pagbuhos ng Gintong Medalya sa Pilipinas sa Taekwondo.

Nanguna si Dave Cea sa Men’s under 74kg Finals, matapos talunin ang pambato ng Thailand, 10-5.


Namayagpag din si Pauline Lopez sa Women’s under 57 kg category.

Nagtagumpay din sa Men’s under 80kg si Samuel Morrison.

Maliban dito, Silver Medals naman ang inuwi nina Leila Delo sa 67kg Finals, Kirstie Alora sa Women’s over 73kg category, at Kristopher Uy sa Men’s over 87kg Finals.

Maging si Arven Alcantara ay hindi nakalusot sa pambato ng Thailand sa Men’s under 68kg finals.

Facebook Comments
From Advertisers