Tatanggapin na ang Philippine Postal Corporation o PHLPost ID bilang dokumento para sa passport applications simula sa susunod na buwan.
Ito ay matapos pirmahan nina Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Neil Frank Ferrer at Assistant Postmaster General Luis Carlos ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa acceptance ng PHLPost ID bilang valid ID para sa passport application.
Sa statement, mayroong software application na para sa mabilis na pagberipika ng PHLPost-issued IDs.
Ang mga tinatanggap na valid ID para sa passport applications ay: SSS, GSIS, PRC at OWWA.
Ang iba ay unified multipurpose ID, LTO driver’s license, voter’s ID, firearms license, senior citizen ID, airman license at school ID.
Facebook Comments