LINGAYEN PANGASINAN – Nag-papatuloy sa monitoring ang Provincial Health Office ng Pangasinan sa mga lugar na nakapagtala ng mataas ang kaso ng Dengue sa lalawigan. Ayon kay Dr. Anna De Guzman, bagama’t mababa sa ngayon ang kaso ng Dengue sa probinsiya na nasa higit 900 kumpara noong huling taon na nasa higit 1,000 kaso, nakatutok pa rin sila dito.
Sa katunayan nag-papatuloy sila sa pagbabantay at pagbibigay ng paalala sa mga residente upang maiwasan ang sakit na dengue, kung saan mga bata ang karaniwang nabibiktima. Mahigpit ngayong binabantayan ang bayan ng Bugallon, Sta. Barbara, Mangaldan, Binmaley at siyuad ng San Carlos dahil ang mga lugar na ito ay nakakapagtala ng mataas ang kaso. Paalala ni De Guzman sa mga Pangasinense na iwasan ang pag iimbak ng tubig na walang takip dahil maari itong pamugaran ng mga lamok. Sa ngayon, panawagan na ahensya sa lahat na panatilihing malinis ang kapaligiran at katawan upang hindi basta madapuan ng anumang sakit.