Phoenix, panalo sa overtime game kontra Bolts; 93-92

Hindi pinaporma ng Phoenix Pulse Fuel Masters ang Meralco Bolts sa kanilang naging laban kagabi sa PBA Philippine Cup.

Tinalo sa overtime game ng Phoenix ang Meralco sa score na 93-92.

Naging bida sa panalo ng Phoenix si Calvin Abueva na naipasok ang game winning shot kung saan umiskor ito ng 13-points at 9-rebounds.


Samantala, kumamada naman ng 26-points ang rookie ng NorthPort Batang Pier kaya at nagawa nilang tambakan ang Blackwater Elite sa score na 117-91.

Facebook Comments