
Mahigit Php13 milyon na tax-free cash prizes ang maaaring mapanalunan sa grand finale ng nationwide linked bingo series ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Disyembre 6, 2026.
Gaganapin ang “Big Time Bingo Milyonaryo” sa Casino Filipino Angeles sa Pampanga, kasabay ng mga laro sa mga kalahok na Casino Filipino branches sa Bacolod, Cebu, Grand Regal, Ilocos Norte, Iloilo, Olongapo at Tagaytay.
Kasali rin sa event ang mga bingo beneficiary venue gaya ng Okada Manila, Winford Resort and Casino, Bingo Bee Malabon Grand at NUSTAR Resort and Casino, na pawang awtorisado ng PAGCOR.
Sa halagang Php3,000 kada ticket, makakakuha ang bawat kalahok ng apat na bingo card na magagamit sa bawat isa sa 10 laro.
May Php1 milyong premyo ang bawat isa sa unang siyam na laro, habang may garantisadong Php3 milyong “must-go” jackpot naman sa ika-10 at huling laro.
Bahagi ang grand finale ng Nationwide Linked Bingo Games ng PAGCOR, kung saan sabay-sabay na naglalaro ang mga kalahok na bingo venue sa buong bansa.
Para sa ticket inquiries at iba pang detalye, maaaring tumawag sa 0906-574-1935, 0927-804-0304 o 0917-843-0970.
Maaari ring bumisita sa www.casinofilipino.ph o bisitahin ang Facebook page ng Casino Filipino para sa karagdagang impormasyon.










