Tuesday, November 10, 2026

EMPLEYADO NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG DAGUPAN, MAKATATANGGAP NG YEAR-END BONUS AT ₱5,000 CASH GIFT

Isang magandang balita ang naghihintay sa mga regular na opisyal at empleyado ng pamahalaang panlungsod matapos lagdaan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang pagbibigay ng kanilang Year-End Bonus na katumbas ng isang buwang sahod.

Kasama rin sa ipagkakaloob ang unang kalahating sahod para sa buwan ng Nobyembre at limang libong pisong cash gift para sa bawat kwalipikadong empleyado.

Naisakatuparan ang nasabing benepisyo sa suporta ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Dean Bryan Kua, kasama ang mga majority councilor.

Samantala, hinikayat ang mga empleyado na gamitin nang wasto at makabuluhan ang kanilang matatanggap, bilang bunga ng kanilang pagsisikap at dedikasyon sa paglilingkod sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments