Physical injuries complaint laban kay Tony Labrusca, ibinasura!

Ibinasura ng Office of the Prosecutor ng Makati City ang kasong acts of lasciviousness at aggravated slight physical injuries laban sa hunk actor na si Tony Labrusca.

Sa inilabas na resolusyon ng korte, nakasaad dito na paso na o hindi umabot sa period of filing of complaint ang reklamong inihain ng kampo ni Dennis Ibay Jr.

Matatandaang naghain ng reklamo si Ibay nitong June 4 pero nangyari umano ang insidente noong January 16.


Dito ay inakusahan ni Ibay ang aktor na sinakal siya habang nasa isang house party habang dumepensa naman ang kampo ni Labrusca na walang katotohanan ang mga alegasyon laban sa aktor.

Facebook Comments