Bahrain, nagpatupad na travel ban laban sa 16 bansa kabilang na ang Pilipinas!

Aabot sa 16 na bansa ang idinagdag sa red list ng Civil Aviation Affairs (CAA) ng Bahrain.

Dahil dito, hindi muna papayagang pumasok sa Kingdom of Bahrain ang ang mga turistang mula sa 16 na bansa.

Kabilang sa mga bansang pagbabawalan muna ay ang Mozambique; Myanmar, Zimbabwe, Mongolia, Mexico, Iran, Malaysia, Iraq, Philippines, South Africa, Tunisia, Namibia, Indonesia, Panama, Uganda at Dominican Republic.


Samantala, hindi naman saklaw ng travel ban ang mga biyahero na may valid residency ng Bahrain.

Facebook Comments