Nilinaw ng Philippine Information Agency na hindi nationwide holiday ang sa Huwebes, February 8, observance ng “Israh Wal Mi’raj.”
Ang Israh Wal Mi’raj ay ang milgrosong pagbiyahe ng propetang si Muhammad mula Mecca hanggang Al-Aqsa Mosque sa Jerusalem at ang pag-akyat nito sa pitong baitang ng langit.
Ayon sa National Commission on Muslim Filipinos, inooserba lamang ang holiday sa mga sumusunod na lugar:
- Basilan
- Lanao del Norte
- Lanao del Sur
- Maguindanao
- North Cotabato
- Sultan Kudarat
- Sulu
- Tawi-tawi
- Zamboanga del Sur
- Zamboanga del Norte
- Cotabato
- Iligan
- Marawi
- Pagadian
- Zamboanga
Habang idineklara ring holiday ang February 8 sa Tiaong, Quezon Province bilang pag-alala sa kaarawan ni dating senador Claro m. Recto.
Facebook Comments