Terrence Romeo, maglalaro na mamaya sa Globalport kontra Star Hotshots na gaganapin sa Tubod, Lanao Del Norte

Manila, Philippines – Maglalaro na ang star player ng Globalport Batang Pier na si Terrence Rome sa magiging laban nila mamaya kontra Star Hotshots na gaganapin sa Tubod, Lanao Del Norte.

 

Matatandaan na hindi nakapagsanay sa Gilas Pilipinas 5.0 at hindi din nakalaro si Terrence dahil sa nagkaroon daw ito ng typhoid fever.

 

Ayon kay Batang Pier Coach Fran Pumaren, handa na daw si Romeo na maglaro mamayang alas-5:15 ng hapon sa Mindanao Civic Center Gym kung saan ito na ang ikalawang laro ng kanilang koponan.

 

Sa unang laro ng Globaport Batang Pier, hindi naging sapat ang 27-points ni Stanley Pringle kaya’t natalo sila sa Alaska sa score na 107-79.



Facebook Comments