Pia Wurtzbach, may bago nga bang gustong career?

Hindi natatapos sa Miss Universe crown at limelight sa showbiz ang nais tahakin ng beauty queen na si Pia Wurtzbach.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Pia na siya ay kasalukuyang kumukuha ng online non-formal course na entrepreneurship sa Open University ng University of the Philippines.

Paliwanag ni Pia, mahalagang sapat ang kaniyang kaalaman sa oras na magtayo siya ng sariling brand o produkto bukod sa Milktea business kasama ang mga kaibigan at collaboration sa isang make-up brand.


Say pa ng beauty queen, hindi habang buhay ang pagiging artista kaya’t mahalagang may ‘fallback’ sa oras na mag-focus na siya kaniyang pamilya sa future.

Facebook Comments