Operations manager ng One Hospital Command Center, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang operations manager ng One Hospital Command Center (OHCC) na si Dr. Bernadette Velasco.

Ayon kay Velasco, kasalukuyan siyang nagpapagaling sa isang isolation facility para sa mga asymptomatic na kaso ng COVID-19.

Pero inihayag nitong patuloy pa rin niyang ginagawa ang kaniyang trabaho kahit na naka-quarantine.


Ang OHCC ay isang health care referral network na tumutugon sa mga serbisyong kinakailangan sa mga may kaso ng COVID-19 tulad ng medikal na transportasyon at pasilidad para sa mga kailangang sumailalim sa quarantine.

Facebook Comments