Pia Wurtzbach, nagsalita na sa isyu ng kanyang pamilya

47

Nagsalita na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kaugnay sa kontrobersyal na away nila sa social media ng kanyang kapatid na si Sarah Wurtzbach kung saan nadamay pa ang kanilang ina na si Cheryl Alonzo Tyndall.

Sa kanyang Instagram post kalakit ang isang family picture, inamin ni Pia na bilang anak at kapatid, ito ang pinakamasakit na panahon sa kanilang pamilya.


Pakiusap ng beauty queen sa mga netizen, maging mabait kay Sarah at huwag siyang sisihin sa mga nangyayari dahil mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon.

Sinisikap nila na resolbahin ang kanilang family issues privately.

Nito lamang Oktubre, binatikos ni Sarah si Pia dahil sa hindi nito pagtulong sa kanya emotionally at financially.

Mas kinakampihan pa ni Pia ang ina na pilit namang pinaghihiwalay siya sa asawang si Charlie Manze dahil wala itong pera at deserved niya ang nangyayari sa kanyang buhay ngayon.




Bagama’t nagkaayos na sina Pia at Sarah, patuloy pa rin naman ang hidwaan ng kapatid nito sa kanilang ina.

Facebook Comments