Isa, patay; 15, sugatan sa pinaniniwalaang terror attack sa Vienna, Austria

112
Photo Courtesy: Associated Press News

Isa ang patay habang 15 ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Vienna, Austria.

Inatake ng mga armadong lalaki ang anim na magkakahiwalay na lugar sa Central Vienna at pinagbabaril ang mga nakikita sa daan.


Ayon kay Interior Minister Karl Nehammer, patuloy ang manhunt operation ng otoridad sa mga suspek na pinaniniwalang kagagawang ng mga terorista.

Agad din nagpatupad ng partial lockdown ang mga otoridad at hindi muna pinapalabas ng kanilang mga tahanan ang mga residente.

Samantala, kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na batay sa ulat ng Embahada ng Pilipinas sa Vienna ay walang Pinoy na nadamay sa naganap na magkakahiwalay na pag-atake.

Facebook Comments